Ama nangulila sa anak, nag-suicide
(Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2017 - 4:00pm

BULACAN, Philippines — Dinamdam ng 49-anyos na ama ang pagkamatay ng kanyang anak na lalaki kaya ito nag-suicide makaraang magbaril sa sarili sa kanilang bahay sa Barangay Sumandig sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan noong Sabado ng umaga. Umaagos pa ang dugo sa ulo sa loob ng kanyang silid nang matagpuan ang biktimang si Jaime Alvaro, negosyante, ng nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ni PO1 Mark Gil Cruz, dakong alas-10 ng umaga nang nakarinig ng putok na nagmumula sa silid ng biktima. Kaagad namang inusisa ng anak na babae ang pinagmulan ng putok kung saan bumungad sa kanya ang sariling ama na duguan sa kama. Nabatid na dinamdam ng biktima ang maagang pagkamatay ng kanyang anak na lalaki na nasangkot sa banggaan ng sasakyan may ilang buwan na ang nakalipas.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with