Kawatan napatay ng retiradong pulis
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2017 - 4:00pm

QUEZON, Philippines — Patay ang 45-anyos na kawatan matapos itong tamaan ng bala ng baril habang nakikipagbuno laban sa retiradong pulis sa Barangay Silang, bayan ng Lopez, Quezon kamakalawa ng umaga. Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-10 ng umaga habang nasa loob ng pag-aaring hardware ang 62-anyos na retiradong pulis na si Danilo Caballes nang pumasok ang kawatang si Alejandro Nieva. Tinutukan ng baril ni Nieva si Caballes saka nagdeklara ng holdap. Panandalian umanong ipinatong ni Nieva ang cal. 45 pistol sa mesa saka naghalughog sa mga drawer ng hardware. Sinamantala ni Caballes na makuha ang baril subalit nakita ito ni Nieva hanggang sa mag-agawan at magpambuno ang dalawa. Sa gitna ng pambuno ay aksidenteng pumutok ang baril at tinamaan sa ulo si Nieva.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with