Mag-asawa sinalpok ng SUV
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2017 - 4:00pm

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Natigok ang 42-anyos na meat vendor habang kritikal naman ang kanyang misis matapos makipagsalpukan ang kanilang traysikel sa kasalubong na Toyota Hilux SUV sa kahabaan ng highway sa Barangay Lucban, bayan ng Abulug, Cagayan noong Sabado ng umaga. ?

Sa report ni PO3 Alexis Gipolio; patungo sa palengke ang mag-asawang sina Joel Gamutan at Genalyn Gamu­tan, 42, sakay ng traysikel nang mang-agaw ito ng linya matapos mag-overtake sa sinusundang sasakyan kaya nasalpok ng SUV dakong alas-6:30 ng umaga.

Sa lakas ng salpok ay nagkahiwalay ang traysikel kaya tumilapon sa ere at nagpagulung-gulong sa kalsada ang mag-asawa.

Kapwa isinugod sa Far North Luzon General Hospital and Training Center sa bayan ng Luna, Apayao ang mag-asawa kung saan idineklarang patay si Joel.

Sumuko naman sa mga pulis ang 60-anyos na drayber na lolo na si Rey Steve Gonzalez.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with