Trike vs bus: 1 patay, 1 sugatan
Jonie Capalaran (Pilipino Star Ngayon) - December 7, 2017 - 4:00pm

BATAAN  , Philippines  —  Patay ang 34-anyos na pasahero  habang sugatan naman ang driver ng traysikel makaraang masalpok ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Roman Super Highway sa Bliss, Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Edgardo Carpio y Fetalino ng Barangay Upper Tuyo habang sugatan naman ang driver ng trike na si Jonathan Ocner ng Barangay Toto Cupang Proper. Sumuko naman ang driver ng Bataan Transit Bus (ACC972) na si Romeo Lazaro ng Hermosa, Bataan. Ayon kay PO3 Alex Buenaventura, naitala ang sakuna dakong alas-10 ng gabi kung saan patungong Mariveles ang bus nang mahagip ang trike ng mga biktima na sinasabing biglang lumiko pagsapit sa nasabing lugar. Nahulog ang trike sa malalim na kanal kaya naipit ang biktima habang mabilis namang nakatalon ang driver kaya nagasgas ang katawan nito.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with