5 arestado sa P5-M shabu
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2017 - 4:00pm

NORTH COTABATO, Philippines — Arestado ang limang drug suspek makaraang makumpiskahan ng P5 milyong halaga ng shabu sa inilatag na anti-drug operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bisinidad ng hotel parking area sa kahabaan ng Santa Maria Road, Zamboanga City, kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Ryan Rajan Quijano, Sahari Addalani Sabturani, Gasi Hadjirul Waliyul, Kizzle Rajan Tungupon, at si Albajir Sanny. Ayon kay PDEA Regional Director Lyndon Aspacio, si Sabturani ay miyembro ng Kubal Drug Group na may modus operandi sa nasabing lungsod. Nasamsam sa mga suspek ang 20 plastic sachet na shabu (50 gramo) na maystreet value na P5 milyon. Narekober naman ng mga tauhan ng PDEA ang P1.5 milyong marked money.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with