New born baby itinapon, nasagip
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Nasagip ang bagong silang na sanggol na itinapon ng hindi kilalang babae matapos itong matagpuan sa gilid ng gusali sa Barangay Poblacion, bayan ng La Trinidad, Benguet noong Martes ng gabi. Sa ulat ng Cordillera Police na naisumite sa Camp Crame, dakong alas-10:20 ng gabi nang makatanggap ang pulisya ng tawag sa telepono mula sa security guard ng Benguet General Hospital  kaugnay sa bagong silang na sanggol na inabandona ng kaniyang ina. Ang sanggol na walang saplot ay nakakabit pa ang umbilical cord  nang madiskubre ng pamilya ni  Raymarie Madugay at mister nito.

Base sa imbestigasyon, pauwi na ang mag-asa­wang sakay ng Toyota Ta­maraw FX kasama ang anak na babae nang mari­nig ang pag-iyak ng sanggol na nilalamig.

Pansamantalang pinahinto ng mister ang kanilang sasakyan saka ang kanilang anak na usisain ang pinagmulan ng pag-iyak.

Gayunman, nabulaga ang mag-asawa ng ba­gong silang na sanggol na naka­kabit pa ang umbilical cord, walang damit  na inabandona sa gilid ng Provincial Building 2.

Agad namang ibinalot sa jacket ng mag-asawa ang sanggol saka isinugod  sa Benguet General Hospital para maisailalim sa medical treatment.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with