3 durog sa road mishap sa Cavite
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2017 - 4:00pm

CAVITE, Philippines — Tatlo katao ang patay sa magkakasunod na aksi­dente sa lansangan sa lalawigan kamakalawa ng gabi.

Base sa report, patay agad ang driver ng motor na si Freddie Flores, 39, may asawa, ng B59 L4 P2 Brgy. Lankaan 2, Naic, Cavite habang kritikal ang lagay ng backrider nito na hindi pa nakikilala ng pulisya makaraang mawalan nang kontrol at lumipad ang sinasakyan nilang Motorstar 125 motorcycle na sumalpok sa tambak ng buhangin sa kahabaan ng Governors Drive, Brgy. Sabang Naic dakong alas-10:45 kamakalawa ng gabi.

Sumunod namang nasawi nang dalawang beses na ma­bundol at magulungan ng magkasunod na sasakyan habang tumatawid sa Governor’s Drive, Brgy. Bancal, Carmon ang biktima na si Johny Billiones, 39-anyos,  may asawa, ng Malibus Compound Brgy. Bancal Carmona dakong alas-7:15 ng gabi.

Tumakas naman ang driver ng Fortuner na unang nakasalpok sa biktima habang hawak ng pulisya ang driver ng MUV na siyang muling nakasagasa sa biktima ang tumilapon na nakilalang si Marlon Gutierrez, 42, may asawa,  driver, ng  B9 L2 PNI Greenwoods, Paliparan I, Dasmarinas City.

Sa ikatlong insidente, nasawi ang 60-anyos na misis na si Estrella Nacario Banata, ng Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite nang masalpok ng Hi Lux habang tumatawid ang biktima sa Imus City dakong alas-8:30 ng gabi.  Hawak na ng pulisya ang driver ng Hilux na si  Nomar Coronado Abac, 23 anyos, binata, ng Purok 5, Real Quezon.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with