Sa ulat  ng Police Regional Office (PRO) 3 kahapon, dakong alas-7:30 ng gabi nang paslangin si Fr. Marcelito “Tito” Paez, ng Central Luzon Regional Coordinator ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) sa kahabaan ng Maharlika highway, bayan ng San Leonardo. Facebook/Marcelito Paez

72-anyos aktibistang pari itinumba!
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Patay ang 72-anyos na pari na sinasabing aktibis­ta at founding member ng militanteng grupong Bayan matapos na tambangan at pagbabarilin ng mga kalalakihan sa Nueva Ecija nitong Lunes ng gabi.

Sa ulat  ng Police Regional Office (PRO) 3 kahapon, dakong alas-7:30 ng gabi nang paslangin si Fr. Marcelito “Tito” Paez, ng Central Luzon Regional Coordinator ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) sa kahabaan ng Maharlika highway, bayan ng San Leonardo.

Ayon sa report, kasalukuyang minamaneho ni Fr. Tito ang kanyang kulay abong Toyota Innova na may plakang AAB2391 nang harangin ng mga armadong kalalakihan at saka pinaulanan ng bala. 

Nagawa pang maisugod sa Gonzales General Hospital sa San Leonardo pero agad ding binawian ng buhay sa dami ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Sa tala, si Fr. Chito ay kabilang sa Diocese of San Jose City, Nueva Ecija  na nakatalaga na bilang kura paroko sa mga bayan ng Sto. Domingo, Guimba, Nampucan, Rizal at Gen. Natividad, pawang ng Nueva Ecija.

Nabatid na si Paez ay aktibista noong panahon ng Martial Law sa ilalim ng rehimen ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos at founding member ng nasabing militanteng grupo. Naging lider din umano siya ng Central Luzon Alliance for a Sovereign Philippines at Bagong Alyansang Maka­bayan-Central Luzon na nangunguna sa kilos protesta  laban sa  presensya ng US military troops  sa bansa at pagpapatanggal ng Bataan nuclear power plant.

Sinasabing bago napas­lang si Fr. Chito,  tumulong pa rito sa pagsasaayos ng mga dokumento upang mapalaya ang political pri­soner na si Rommel Tucay sa Cabanatuan City.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with