Kano sumiping sa nobya, natigok

Raymund Catindig at Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2017 - 4:00pm

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang 56-anyos na Kano na nakatakdang ikasal matapos itong sumi­ping sa kanyang nobyang Pinay sa Barangay Calapa­ngan Norte, bayan ng Lasam, Cagayan noong Miyerkules. ?

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Leon Umbrero Jr., hepe ng Lasam police station, nataranta ang nobya ng biktimang si Anthony Buttan nang makitang nangingisay, tumitirik na ang mga mata at bumubula pa ang bibig nito kaya isinugod sa Lasam District Hospital subalit idineklarang patay. ?

Base sa tala, si Buttan ay dumating sa Cagayan noong Sabado (Nobyembre  4) mula sa USA at nakatakdang ikasal sa nobyang si Maribel Bragas, 22, ng Barangay Calapangan Norte sa bayan ng Lasam, Cagayan sa darating na Lunes (Nob 20).

Ayon sa pulisya, hindi pa maisasagawa ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang post mortem examination sa bangkay ni Buttan hangga’t walang pahintulot ang mga kaanak nito sa State of Michigan upang malaman ang sanhi ng biglaan nitong kamata­yan.?

Ayon sa nobya ni Buttan, kasalukuyang sumasailalim sa medikasyon sa alta pres­yon ang biktima na isang divorcee.

Pinaniniwalaang hindi nakayanan ni Buttan ang sobrang kagalakan at pananabik lalo na’t nakatakdang ikasal sa nasabing petsa.

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with