Amok sa ihawan: Mag-ina, lola todas
(Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2017 - 4:00pm

BULACAN, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-ina at lola makaraang saksakin ng lalaking nag-amok sa Barangay Iba, Meycauayan City, Bulacan noong Linggo ng gabi.

Naisugod pa sa Marymount Hospital subalit hindi na umabot ng buhay ang mag-inang Dedina Yonson, 58; Jemalyn Yonson, 34; at anak nitong si April John Yonson, 14, mga nakatira sa  Barangay Libtong sa nasabing bayan.

Sumuko sa mga kagawad ng barangay ang suspek na si Jimmy Dalama Jr., 30, truck driver at nakatira sa Imson Apartment sa nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Allan Lampano, nakipag-inuman si Jemalyn kay Alyas Layan sa gilid ng barbeque stall ng kanyang ina.

Gayunman, dumating ang suspek para bumili ng barbeque kung saan inalok naman ng tagay ni Layan subalit tumanggi ito hanggang sa nauwi sa natinding pagtatalo saka nagkasuntukan.

Napayapa naman ang naganap na gulo ng dalawa kung saan umalis ang suspek subalit nang bumalik ay hinanap ang nakaaway.

Nang hindi makita si Layan ay nagsimulang mag-amok ng suspek saka pinagsasaksak ang mga biktima hanggang sa mapatay.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with