Lolo hinataw ng kawayan, tigok
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2017 - 4:00pm

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nabasag ang bungo ng isang 65- anyos na lolo matapos paghahatawin ng kawayan ng kanyang naka-alitan sa Brgy.Pasiagon sa bayan ng Placer, Masbate noong Huwebes ng umaga. Namatay noon din dahil sa tindi ng tama sa ulo ang biktimang si Pablito Nuñez habang tumakas at pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na nakilalang si Reynante Cueva, 35 anyos, kapwa residente ng nasabing barangay. Sa report, dakong alas-10 ng umaga, nakita ng mga saksi na nag-uusap ang dalawa nang biglang magkaroon ng mainit na pagtatalo.Gayunman, nakitang hinawakan ng suspek ang kamay ng biktima at saka pinaghahampas sa ulo gamit ang kaputol na kawayan.Nang duguang bumulagta ang matanda, tumakas si Cueva patungo sa direksyon ng Brgy. Burabod.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with