Sinabi ni City Police Station 4 commander Chief Insp. Tirso Pascual na si Pastora Rose ay may-ari ng fishpond sa Bukana, na bahagi ng Barangay Kala­nganan Mother.  Gayunman, ayon kay Pascual, posible ring pagnanakaw o robbery ang motibo ng mga suspek sa pagpatay kay Pastora Rose. CC/stock photo, File

Pastora inutas sa pump boat, hinulog sa ilog manugang malubha
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2017 - 4:00pm

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang 55-anyos na pastora habang nasa malubhang kalagayan ang manugang nito nang pagbabarilin ng dalawang naka-bonnet na lalaki habang lulan ang mga biktima ng kanilang pump boat bago inihulog sa ilog sa Purok Tarbeng, Mother Barangay Kalanganan, Cotabato City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Rosalita Jo­men Peracullo o mas kilala sa pangalang Pastora Rose, may asawa at residente ng nabanggit na lugar habang ginagamot sa ospital ang manugang na si Mohaimen Yu Camad, 38-anyos.  

Sinabi ni City Police Station 4 commander Chief Insp. Tirso Pascual na si Pastora Rose ay may-ari ng fishpond sa Bukana, na bahagi ng Barangay Kala­nganan Mother.  Gayunman, ayon kay Pascual, posible ring pagnanakaw o robbery ang motibo ng mga suspek sa pagpatay kay Pastora Rose.  

Tinangay ng mga suspek ang sling bag ng pastora na naglalaman ng P8,000 at cell phone na nagkakahalaga ng P5,000.  

Hinihintay pa ng pulisya na magkamalay ang manugang ni Pastora Rose na si Mohaimen Yu Camad, 38-anyos, na kasama ng biktima  nang maganap ang pamamaril kung saan siya ay nasugatan din at patuloy pang ginagamot sa ospital.  

Ayon kay Pascual, ma­laking tulong ang magiging pahayag ni Camad para maresolba ang kaso.  

Sa ulat, pauwi na sana sa kanilang bahay sina Pastora Rose at Camad sakay ng pump boat mula sa kanilang fishpond nang sapilitang sumakay ang ‘di kilalang dalawang lalaki na armado ng baril at naka-bonnet. Pinagbabaril ng mga suspek ang dalawa habang nasa ilog sa bahagi ng Purok Tarbeng. Dead-on-the-spot si Pastora Rose dahil sa tama ng bala sa ulo habang nagtamo naman ng tama ng baril sa likod si Camad.  

Matapos ang pamamaril, inihulog pa ng mga suspek ang dalawang biktima sa ilog at ginamit pa nilang get-away vehicle ang kanilang bangka.

Posible umanong may kinalaman sa kanyang negosyo ang pagkakapaslang sa nasabing pastora na sinusundang anggulo sa imbestigasiyon.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with