Municipal engineer itinumba sa sabungan

Raymund Catindig at Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2017 - 4:00pm

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Napatay ang 60-anyos na municipal engineer matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins habang nakatayo sa harapan ng sabungan sa Barangay Dubinan West, Santiago City, Isabela noong Martes ng tanghali.

Napuruhan sa ulo ang biktimang si Engr. Johnny Lazaro, kawani ng lokal na pamahalaan ng Jones, Isabela at nakatira sa Barangay Uno sa nasabing lungsod.

?Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Percival Rumbaoa, Isabela City police director, hinihintay ni Lazaro ang kanyang drayber nang lapitan at ratratin ng tandem gunmen dakong alas-2 ng hapon.?

Bukod sa anggulo sa trabaho ay sinisilip ng pulisya ang hidwaan sa pulitika sa bayan ng Jones na isa sa motibo sa pamamaslang.

Base sa tala ng pulisya. noong 2014 ay pinatay din sa Santiago City ang municipal treasurer ng Jones na si Mario Duerme.

Ayon sa pulisya, ?ang dalawang opisyal na napatay ay malapit sa nag-uumpugang lider sa nasabing bayan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with