5-anyos pisak sa sagasa ng ama
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Lumuwa ang utak at mata ng 5-anyos na totoy matapos itong aksidenteng masagasaan ng pampasaherong jeepney ng kaniyang sariling ama sa bayan ng Itogon, Benguet noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rhaiven Kurt Cornel ng Purok 1, Barangay Loacan sa nasabing bayan.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame,  naitala ang insidente bandang alas-6:45 ng gabi habang pinaandar ng suspek na si Rufo Cornel  ang ipinapasada nitong pampasaherong jeepney (AYP 378).

Nabatid na lumabas ng bahay si Rufo para dalhin sa parking area ang  pampasaherong jeepney pero hindi nito namalayan na sinundan pala siya ng anak.

Gayunman, inaatras ng tatay ang jeepney kung saan posible umanong sumabit ang bata at nahulog hanggang sa maatrasan ito at magulungan ng sasakyan.

Sising alipin naman ang ama nang makitang siya mismo ang nakapatay sa sariling anak. Rumesponde naman ang mga operatiba ng pulisya at iprinoseso ang crime scene.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with