Misis ng pulis kritikal sa pamamaril
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2017 - 4:00pm

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga  , Philippines  —   Agaw-buhay ang 46-anyos na misis na sinasabing asawa ng pulis matapos itong barilin ng hindi kilalang lalaki sa harapan ng parking lot ng fastfood chain sa Barangay Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga noong Martes ng hapon.

Tinamaan sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si Rosana Agrano, tubong bayan ng Jala Jala sa Rizal. Si Agrano ay naisugod sa Sacred Heart Medical Center.

Samantala, nakatakas naman ang gunman na naka-itim na  jacket at short pants sakay ng motorsiklong itim.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Supt. Amador Corpus, police regional director, naglalakad ang biktima sa parking entrance ng kilalang fastfood chain nang lapitan at barilin ng hindi kilalang lalaki.

Sinasabing ang biktima ay ahente ng lending company at asawa ng pulis na nakatalaga sa Floridablanca police station.

Labis naman ang hinagpis ng pamilya ng biktima matapos kumalat sa social media ang larawan nito sa crime scene na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo habang patuloy ang imbestigasyon.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with