Anak utas, ama’t ina sugatan sa sakuna
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2017 - 4:00pm

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng 2-anyos na nene habang sugatan naman ang kanyang mga magulang matapos bumulusok ang kanilang traysikel sa highway ng Barangay San Pablo, Cauayan City, Isabela noong Linggo ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Narciso Paragas, hepe ng, Cauayan City Police Station, pauwi na ang mga biktima mula sa okasyon ng pamilya sa Barangay Villa Concepcion nang mawalan ng kontrol sa manibela si John Bermudez kaya bumulusok ang kanilang trike na sasakyan sa gilid ng kalsada dakong alas-7:30 ng gabi. ?Isinugod sa pribadong ospital sina John, Analyn, 22, at ang 2-anyos na anak na si Jane subalit hindi na nakarating ng buhay ang nene. Pinaniniwalaang senglot ang ama nang maganap ang aksidente, ayon sa pulisya.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with