^

Probinsiya

33K manggagawa ng Hanjin, lalahok sa kilos-protesta

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY  , Philippines  —   Nakatakdang maglunsad ng malawakang kilos-protesta ang 33, 000 manggagawa laban sa Hanjin Heavy Industries and Construction Philippines (HHIC-Phil) kapag hindi sila nabigyan ng kasunduan na magkaroon ng eleksyon para sa pagtatatag ng sariling unyon.

Ayon kay Roberto “Bobby” Flores, convenor ng Alyansa ng Manggagawang Pilipinong Organisado-Trade Union Congress of the Philippines (Amapo-TUCP), sa susunod na mga araw ay asahan na lamang ang pagkalampag ng mga manggagawa sa Korean-owned shipbuilding company sa Subic, Zambales.

“Hindi mapipigilan ang pag-aklas ng mga manggagawa laban sa nasabing kompanya dahil marami na ang nagawa nilang pag­labag kabilang na ang unfair labor practices, mga pananakit, pagmamaltrato at pang-aabuso ng mga koreanong nagpapalakad nito,” paliwanag ni Flores.

Base sa kanilang record, umaabot na sa 39 manggagawa ang namatay sa gitna ng kanilang trabaho simula ng itayo ang pasilidad noong 2006.

Giit pa ng leader ng Amapo-TUCP, nakapagsumite na sila ng notice sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB) para sa malawakang kilos-protesta.

Nabatid na nagkaroon na ng unang pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng union at Hanjin management sa Labor office sa Olongapo City noong Agosto 18 at ito lamang Agosto 18 ay para sa eleksyon subalit walang pinal na napagkasunduan.

Samantala, dalawang manggagawang Koreanong foreman na sina Kim Namhoon at Kim Gapsung ang lalahok sa kilos-protesta dahil sa sinasabing reklamo ng breach of contract at ilan pang pagmamaltrato ng kanilang sariling kababa­yan sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with