_ngayon
^

Probinsiya

Desperadong OFW, nagbigti

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang matinding depresyon ang dumapo sa 26-anyos na babaeng OFW kaya ito kusang nagpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay San Agustin 3 sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Angelita Rodriguez ng  Block 2 Lot 13 Phase 1, Lotus Street sa Villa Luisa Subd. sa nasabing barangay. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-6:30 ng gabi nang matagpuang nakabigti ang biktima sa grills ng bintana ng kanilang silid. Kaagad na humingi ng tulong ang kinakasamang si Emilene Padua kung saan naisugod naman sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang patay. Ayon sa pulisya, desperado ang biktima dahil sa problemang pampamilya.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with