Encounter: 2 sundalo todas, 7 sugatan
Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2017 - 4:00pm

CAMARINES NORTE, Philippines - Dalawang sundalo ang napatay habang pito naman ang nasugatan makaraang makasagupa ang grupo ng New People’s Army sa bahagi ng Barangay Casili, bayan ng Gubat, Sorsogon kahapon ng umaga. Sa ulat na ipinarating sa Camp Simeon Ola, nagsasagawa ng combat patrol ang pangkat ng Alpha Company ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army sa pamumuno ni  2Lt. Lee Tremedal nang makasagupa ang mga rebelde dakong alas-5:30 ng umaga. Nabatid na ang mga sundalong namatay habang nakikipaglaban ay tinamaan ng sumabog na landmines ng mga rebelde. Pansamantalang hindi isiniwalat ang mga pangalan ng napatay na sundalo dahil kailangan munang impormahan ang kani-kanilang pamilya. Patuloy naman ang hot pursuit operation ng militar at pulisya laban sa grupo ng NPA.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with