Bike vs bike: 2 dedo, 2 kritikal

Rhode­rick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - July 25, 2017 - 4:00pm

NORTH COTABATO, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay San Isidro, ba­yan ng Talakag, Bukidnon noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang mga namatay na sina Elmer Japos, 59, ng San Antonio; at Jim Valdehuesa, 32, ng Macanhan, Carmen sa Cagayan de Oro City. Sugatan naman ang backrider na sina Mary Rose, at Kesha, 7, mag-ina ni Valdehuesa. Naisugod naman sa Talakag Provincial Hospital ang mga biktima subalit inilipat sa Northern Mindanao Medical Center kung saan idineklarang patay sina Elmer at Jim. Samantala, nagkalasug-lasog naman ang mga bahagi ng dalawang motorbike kung saan hindi na mapakikinabangan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with