Beauty queen ni-rape slay ng adik

Kimberly Boston Autida

Beauty queen ni-rape slay ng adik

Rhoderick Beñez at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2017 - 4:00am

NORTH COTABATO, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 19-anyos na 4th runner-up sa beauty contest sa Island Garden City of Samal matapos itong halayin ay pinatay pa sa malakas na suntok ng dalawang lalaki na sinasabing lango sa droga sa nasabing lugar noong Miyerkules, ayon sa ulat kahapon.

Base sa ulat ni P/ Supt. Marcial Magistrado, provincial police director ng Davao del Norte,  kinilala ang biktimang si Kimberly Boston Autida na nabasag ang atay matapos na pagsusuntukin ng mga suspek na gumahasa.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ni P/Supt. Noel Asu­men, chief of police, nakaugalian na ng biktima na pumunta sa bahay ng kanyang lola upang magsaing at magbantay ng tindahan.

Gayunman, nagtaka na lamang ang pamilya nito dahil walang dumating na Kimberly sa bahay ng kanyang lola hanggang sa natagpuan ang hubu’t hubad na katawan nito na nakahandusay sa putikan na may 500 metro ang layo mula sa kanilang bahay.

Nabatid na ang biktimang nakatira sa Barangay  Adecor sa Kaputian ay 4th runner-up sa Mutya ng Samal noong 2016.

Sinabi ng opisyal na base sa resulta ng medico legal report ay may palatandaang hinalay ang biktima saka pinagsusuntok sa may puson na sa lakas ng pagkakasuntok ay nabasag ang internal organ partikular na ang atay ng biktima na nakagapos pa ang mga kamay.

Isinasailalim naman sa imbestigasyon ang dalawang ‘person of interest’ na sina Ricardo Sale, 50; at Elvin Juna, 20, na sinasabing kakilala ng biktima.

Ayon sa pulisya, si Sale ay may duguang t-shirt  na nakuha sa fishpond malapit sa lubluban ng kalabaw sa nasabing isla.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with