Ilocos Sur niyanig ng lindol
Ricky ­Tulipat (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bahagi ng Ilocos Sur kahapon ng madaling araw, ayon sa ulat ng state weather bureau. Base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang sentro ng pagyanig sa may 51 km sa south west sa bayan ng Santa Catalina, Ilocos Sur, dakong alas-4:37 ng madaling araw. May lalim na 29 km at tectonic plates ang origin. Gayunman, naramdaman ang intensity II sa Vigan City, Intensity 3 sa bayan ng Sinait, Ilocos Sur; at Intensity I naman sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte. Inaasahan naman ang mga aftershock sa nasabing lugar subalit wala namang iniulat na nawasak na ari-arian o kaya nasugatan sa pagyanig.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with