3 bus nagkarambola: Mag-utol utas
Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2017 - 4:00pm

CAMARINES NORTE, Philippines - Patay ang magkapatid na lalaki habang marami naman ang nasugatan makaraang magkarambola ang tatlong pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa bayan ng Ragay, Camarines Sur kahapon. Sa panayam kay P/Chief Insp. Christopher Aduviso, hepe ng pulisya sa bayan ng Ragay, nabatid na patungong Maynila ang tatlong bus nang aksidenteng mabangga ng Silver Star Bus ang sinusundang DLTB Bus. Mabilis namang nakasunod ang Mega Bus na nagawang makaiwas subalit nagtuluy-tuloy na bumangga sa konkretong bakod sa gilid ng kalsada. Sa lakas ng impact, namatay ang magkapatid na sakay ng Mega bus na sina Ronald Manlangit at Ron Ron Manlangit. Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad habang ang mga sugatan ay naisugod sa ospital sa Naga City.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with