Lalaki dinedo sa beauty pageant
Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - June 10, 2017 - 4:00pm

CAMARINES NORTE, Philippines - Nabahiran ng dugo ang idinaos na beauty pageant makaraang saksakin at mapatay ang 37-anyos na lalaki  habang malubha naman ang kasama nito sa naganap na karahasan sa sports complex sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa. Idineklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Christopher Sabaco habang malubha naman ang kaibigan na si John Mark Avila, kapwa nakatira sa Purok 2, Brgy San Roque sa nasabing bayan. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nanonood ang magkaibigan sa idinaraos na beauty pageant kaugnay sa nalalapit na kapistahan ng bayan ng Mercedes nang lapitan at saksakin ng hindi kilalang lalaki. Tinangkang awatin ni Avila subalit inundayan rin ito ng saksak. Nagawa namang makatakbo at makapagsumbong sa himpilan ng pulis­ya si Avila subalit nakatakas na ang suspek.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with