Utol ng pangulo ng ABC utas sa tandem

Raymund Catindig at Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - May 28, 2017 - 4:00pm

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pinabulagta ang utol ng president ng Association of Barangay Chairman (ABC) na sinasabing nasa drugs watchlist ng pulisya matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Centro 5 sa Tuguegarao City, Cagayan noong Sabado ng hapon. ?

Kinilala ni P/Supt. Edward Guzman, hepe ng Tuguegarao City Police Station ang napatay na si Ambrosio Velasco Jr., 41,  utol ni ABC acting President Jopy Velasco ng Barangay Centro 1. ?

Nagtamo ng tama sa ulo at katawan ang biktimang nag­lalakad pauwi na sinundan at niratrat ng tandem dakong alas-3 ng hapon.

Si Velasco na sumawsaw noong 2016 sa Oplan Tokhang ay nalagutan ng hininga habang ginagamot sa De Leon Clinic.?

Matatandaan na noong Huwebes lamang ay sugatan si Chairman Jerry Quilang sa pag-atake ng riding-in-tandem gunmen habang minamaneho nito ang kanyang SUV sa Diversion road sa Brgy. Caritan. ?

Tuald ni Velasco ay sinasabing nasa drug watchlist rin si Quilang bilang high-value target (HVT).?

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with