Tiyahin napatay ng pamangkin
Francis Elevado (Pilipino Star Ngayon) - May 27, 2017 - 4:00pm

CAMARINES NORTE , Philippines  - Napatay ang 42-anyos na tiyahin makaraang aksidenteng mabaril ng kanyang 5-anyos na pamangkin sa Barangay Pag-Asa, bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa. Sinubukang pang isugod sa Labo District Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Melanie Azur. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagsasampay ng ilang damit na nilabhan ang biktima nang mabaril ng kanyang pamangking itinago sa pangalang Bebot gamit ang airgun. Nabatid na inakala ng bata na laruang baril-barilan lang ang hawak na airgun kaya ipinutok nito sa likuran ng biktima. Hindi na umabot ng buhay sa nasabing ospital ang biktima dahil sa matin­ding tama sa likod.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with