Lasing na parak, namaril: 2 patay, 1 pa sugatan
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2017 - 4:00pm

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Dalawang obrero ang pinabulagta ng isang bagitong pulis, habang isa pa ang nasu­gatan sa gitna ng kanilang inuman sa bahay ng mga biktima sa Brgy. Santiago, San Fernando City, La Union Miyerkules ng gabi. ?

Kinilala ni Chief Insp. Silverio Ordinado Jr., taga­pagsalita ng La Union PNP ang mga nasawi na sina Willy Fernando, 48 at Joseph Balanag, 35 habang isinugod naman si Christian Fernando, 23 sa Ilocos Training and Regional Medical Center.?

Nadakip naman sa follow up operation ang suspek na pulis na si PO1 Ricardo Rillo na nakatalaga sa Police station ng San Fernando City.

Sa paunang imbestigasyon, nagkaroon ng pag­tatalo sa pagitan ng biktima tungkol sa lupa na nauwi sa pag­ratrat ni Rillo sa mga kainuman bago ito tumakas at di naglaon ay nadakip.

Patuloy pa ring sini­siyasat ng pulisya ang kaso.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with