Nakipag-inuman sa kapistahan, dinedo
Jonie Capalaran (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2017 - 12:00am

BATAAN, Philippines – Bulagta ang 29-anyos na lalaki na sinasabing dumayo sa kapistahan matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki habang nakikipag-inuman sa bahay ng kanyang pinsan sa Sito Pag-Asa, Barangay Sabang sa bayan ng Morong, Bataan kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa maselang bahagi ng katawan ang biktimang si Resty “Boy” Ignacio ng Sitio Matiko  sa Barangay Sabang. Ayon kay PO2 Winder “Ben” Visaya, nakikipag-inuman ang biktima sa bahay ng kanyang pinsang si Joseph Mose at ilang kaibigan nang sumiklab ang pagtatalo at pakikipag-away nito kay Glen Sidon. Gayunman, naawat ang pag-aaway ng dalawa kung saan nagpaalam naman sa grupo si Sidon. Subalit ilang minuto ang nakalipas ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril kung saan bumulagta ang biktima.

RESTY “BOY” IGNACIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with