_ngayon
^

Pulis-ARMM inutas ng tandem

Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2017 - 12:00am

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines - Pinaniniwalaang paghihigante ng mga organized crime group at drug syndicate kaya napaslang ang police photographer ng regional office ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) matapos itong ratratin sa Brgy. Sarmiento, bayan ng Parang, Maguindanao noong Sabado ng gabi.

Batay sa ulat, naisugod pa sa bahay-pagamutan sa Cotabato City ang biktimang si P02 Faustino Berdadero Jr. subalit idineklarang patay.

Ayon kay P/Senior Insp. Marcille Manzano, huling namataang buhay si P02 Berdadero na abala sa pagtupad ng trabaho sa kasagsagan ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Camp SK Pendatun, PRO-ARMM regional office noong Biyernes ng hapon.

Ilang minuto bago mapatay si P02 Berdadero ay niratrat ng riding-in-tandem gunmen ang outpost ng pulisya sa Barangay Tapayan, bayan ng Sultan Mastura sa Maguindanao.  

Inatake rin ang police car na rumesponde sa Barangay Tapayan kung saan nasugatan ang isa pang police officer.

Base sa tala, napatay din si P02 Jonard Clarino matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng highway sa Brgy. Simuay, Sultan Kudarat habang papauwi sa Midsayap, North Cotabato noong Miyerkules ng hapon.

ARMM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with