Tinedyer natalo sa volleyball, pumatay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 2, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dahil sa pagkatalo sa larong volleyball, napatay ang 32-anyos na lalaki matapos itong saksakin ng 17-anyos na binatilyo sa Barangay Situbo, bayan ng Roxas, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa tiyan ang biktimang si Ricky Suya habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na itinago sa pangalang Pedro na mabilis na tumakas matapos ang krimen. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, naitala ang krimen sa nabanggit na lugar bandang alas-4 ng hapon. Ayon sa ulat, naglaro ng volleyball ang grupo ng suspek at ng biktima na nauwi sa kantiyawan matapos na matalo ang binatilyo saka mga barkada nito. Sa tindi ng inabot na pangaalaska ay nagalit ang suspek kaya dinaluhong ng saksak ang biktima na duguang bumulagta.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with