3-anyos pisak sa SUV
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - April 30, 2017 - 12:00am

CAVITE , Philippines  - Patay ang 3-anyos na totoy na sinasabing biglang tumawid matapos itong masagasaan ng kotse sa kahabaan ng kalsada kamakalawa ng hapon sa Barangay Kayquit sa bayan ng Indang, Cavite. Kinilala ang biktima na si Aldridge Marcillano ng Barangay Kayquit  3 habang arestado naman ang driver ng Toyota Vios na si Loise  Edric Llamado, 19, college student at nakatira sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ni SP01 Jeffrey Lopez, biglang tumawid ang biktima kaya naman hindi naiwasan ng driver ng kotse at tuluyang nasagasaan. Mabilis namang naisugod sa pagamutan ang biktima subalit namatay din habang ginagamot. Pinaniniwalaan namang kapabayaan ng mga magulang ang biglang pagtawid ng bata sa kalsada na hindi naman inaasahan ng driver ang makasagasa.

SUV
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with