^
Chairman, itinumba ng tandem
Sinusuri ng mga tauhaun ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang duguang nakadapang si Chairman Carlito Borlongan matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa gasolinahan sa Barangay Bagna, Malolos City, Bulacan noong Biyernes.
Boy Cruz

Chairman, itinumba ng tandem

Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2017 - 12:00am

BULACAN , Philippines  – Bulagta ang 67-anyos na barangay chairman matapos itong barilin ng riding-in-tandem gunmen sa gasolinahan sa Barangay Bagna, Malolos City, Bulacan noong Biyernes ng hapon. Isang tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo ang tumapos sa buhay ni Chairman Carlito “Totoy” Borlongan Sr. ng Barangay Babatnin sa nabanggit na bayan. Tumakas naman ang gunmen tangay ang belt bag na naglalaman ng malaking halaga na pag-aari ng biktima. Sa imbestigasyon nina SPO1 Anthony Pagtaluan at PO3 Carlo Romulo Palma, bumibili ng krudo sa gasolinahan ang biktima nang lapitan at barilin ng gunmen bandang alas-3:15 ng hapon. Nabatid na bumibili ng krudo ang biktima na kanyang ipinagbibili sa mga kababaryong mangingisda na nagmamay-ari ng bangka.

TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with