Bike vs bike: 2 utas
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2017 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang isa naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang ma­gsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng General Trias Drive sa Barangay San Juan 2, General Trias City, Cavite noong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jan Lester Arca, 28; at Freddiener  Bermudez, 29, mga nakatira sa Landmass Park Subdivision sa bayan ng Tanza, Cavite. Naisugod naman sa pagamutan si Kevin Sedoran, 25, ng nasabing subdivision sa Barangay Biga, Tanza, Cavite. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, naganap ang sakuna sa kurbadang highway na pababa kung saan nawalan ng kontrol sa manibela ng motorsiklo kaya nagsalpukan.

 

BIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with