10 rebelde, 2 sundalo utas sa encounter
Tony Sandoval, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Sampung miyembro ng New People’s Army (NPA) at dalawang sundalo ang napaslang habang dalawa pang sundalo ang sugatan makaraang magka-engkuwentro ang kanilang tropa sa Gen. Nakar, Quezon  nitong Huwebes.

Sa ulat ni Maj. Gen. Rhoderick Parayno, commander ng Army’s 2nd Infantry Division (ID), mahigit dalawang oras ang itinagal ng bakbakan. 

 Ang mga nasawing sundalo ay sina Sgt. Nelson Zamora at Sgt Bernard Rosete, pawang ng Army’s 80th Infantry Battalion  habang nasugatan sina Sgt . Franklin Peralta at Cpl. Ruben Pauig.

Ayon kay Parayno, nakasagupa ng tropa ng 28th Infantry Battalion at 80th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army ang mahigit 30 rebelde mula sa Narciso Antazo Aramil Command sa Sitio Pahimuan, Brgy. Lumutan, Gen. Nakar bandang alas-2 ng hapon. Nagsasagawa ng combat patrol ope­rations ang tropa ng militar nang masabat ang grupo ng mga rebelde na nango­ngotong sa komunidad ng mga sibilyan na nauwi sa bakbakan ng magkabilang panig na tumagal ng hanggang alas-4:30 ng hapon.

Narekober sa lugar ang isang grenade rifle, ilang rounds ng mga bala at mga basyo nito na naiwan ng mga nagsitakas na rebelde.

RHODERICK PARAYNO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with