Misis pinatay ng selosong mister sa sayawan
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2017 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines -  Napaslang ang 34-anyos na misis matapos itong pagbabarilin ng sari­ling mister dahil sa matinding selos habang isinasayaw ito ng ibang lalaki sa idinaos na kasalan sa Barangay Dalena, bayan ng San Pablo, Isabela noong Martes ng gabi.?

Kinilala ni P/Chief  Insp. Rouel Mena, hepe ng San Pablo Police ang napatay na si Jefrin Gammaru, nagbabakasyong OFW habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Edwin Gammaru, 35.  ?

Lumalabas sa imbestigasyon na sumabog ang poot ng suspek sa kanyang misis habang kasayaw ang lalaki dahil sa malagkit at magiliw nilang pag-indak sa saliw ng malambing na awit.?

Ayon sa police report, lumapit ang suspek saka binoga ng tatlong ulit sa likuran ang asawa nito kung saan natulala naman ang kasayawang lalaki na natalsikan pa ng dugo. ?

Nagsitakbuhan at nagsisigawan ang mga tao sa paligid na sinamantala ng suspek na tumakas.

Binaril din ng suspek ang kanyang hipag na si Sophy Talosig na nagtangka siyang pigilan.?

Agad isinugod si Talosig sa pagamutan habang idineklarang patay ang utol.?

Nabatid na ang suspek ay pinsan ng wanted na barangay chairman na si Bricsio Gammaru na may kasong serye ng pagpatay sa nasabing lugar.

 

ROUEL MENA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with