Misis utas, mister malubha sa sunog
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2017 - 12:00am

CAVITE , Philippines -  Patay ang 29-anyos na misis habang kritikal naman ang kanyang mister makaraang masunog ang kanilang bahay dahil sa pagsabog ng liquified petroleum gas (LPG) kahapon ng umaga sa Barangay San Manuel I, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ang namatay na si Len Amor Soriano habang ginagamot naman sa ospital si Gabby Soriano, 31, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Ayon kay PO2 Mark Sapao, sumabog ang ginagamit na LPG tank ng mag-asawa kaya nasunog ang kanilang bahay kung saan nadamay pa ang bahay na pag-aari ni Rodel Umbat. Tumagal ng isang oras ang sunog bago naapula ang apoy kung saan aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo.

LPG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with