Trak vs kuliglig: 2 dedo, 8 grabe
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2017 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Dalawa-katao ang hindi na umabot sa Semana Santa habang walo naman ang kritikal matapos salpukin ng  trak ang kanilang sasakyang kuliglig sa kahabaan ng highway sa Barangay Balug, bayan ng Tumauini, Isabela noong Lunes ng gabi.? Kinilala ni P/Senior Insp. Allen Alcido, hepe ng Tumauini Police Station ang mga namatay na sina Vienerson Nabor, 21; at Lorita Ganado, 58.

Samantala, isinugod naman sa Cagayan Valley Medical Center ang operator ng kuliglig na si Carlito Torres, 31; Kristel Ann Ganado, 16; Joy Dumo, 34; Jenny Madriaga, 38; Sunshine Dumo, 1; Scarlet Joyce  Dumo, 6; Francis Dave Madriaga, 2; at si Stephanie Dumo, 9.?

Magkakasamang lulan ng sasakyang kuliglig ang mga biktimang patungo sa Ilagan City para dumalo sa bisperas ng kasalan nang abutan sila ng trahedya dakong alas-7:30 ng gabi.?

Ayon sa police report, hindi natukoy ang truck na bumangga sa likuran ng kuliglig habang nagkalat naman na nakabulagta ang mga biktima sa gitna ng madilim na highway. ?

Pinaniniwalaang hindi nakita ng drayber ng truck ang sinusundang kuliglig ng mga biktima dahil sa pag-ambon at wala itong reflectorized sticker.

 

SEMANA SANTA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with