^

Probinsiya

2 itinumba sa sabungan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Napatay ang dalawang sabungero habang isa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa loob ng sabungan sa Barangay San Roque, bayan ng San Rafael, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng tama ng bala sa katawan ang mga biktimang sina Tristan Cruz, 37, ng Brgy. Bonga Menor sa bayan ng Bustos; at Edgardo Guevarra, 37, ng Brgy. Tambubong, San Rafael.

Samantala, sugatan naman matapos tamaan ng ligaw na bala sa kaliwang hita ang sabungerong si Carlos Sta. Ana, 51, ng Brgy.Matungao sa bayan ng Bulakan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Dante Castillo, nakikipagpustahan ang mga biktima sa loob ng San Roque Cockpit Arena nang lapitan ng dalawang gunmen.

Unang pinutukan si Cruz at nang makita ito ni Guevarra ay tinangkang tumakas subalit pinaputukan at napatay kung saan sugatan naman si Sta. Ana na nasa tabi ni Guevarra.

Sinamantala ng gunmen na tumakas at nakihalubilo sa mga sabungerong nagpulasan palabas ng sabungan.

Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal .45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

DEAD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with