3 dedo sa pamamaril 3 dedo sa pamamaril
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 23, 2017 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Tatlo-katao ang napatay sa naganap  na magkakahiwalay  na pamamaril sa bayan ng San Mariano, Isabela at sa bayan ng Alfonso Castañeda sa Nueva Vizcaya kahapon.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt Reynaldo Garcia, Isabela police director, unang napatay ang 38-anyos na biktimang si Jennifer Ignacio matapos itong pababain sa sinakyang jeepney saka niratrat ng dalawang maskaradong lalaki sa Barangay San Pedro, bayan ng San Mariano.?

Nagsigawan ang mga pasahero ng jeepney nang masaksihan ang pamamaril sa biktima sa gilid ng kalsada bago nagsipagtakas lulan ng motorsiklo. ?

Sa bayan naman ng Alfonso Castañeda, dalawang lalaki ang pinagbabaril at napatay saka itinapon sa bangin sa Sitio Marikit East, Barangay Abuyo.?

Narekober ng mga maintenance worker ng DPWH sa nasabing lugar ang bangkay ng mga biktima na nakagapos ang mga kamay ng packaging tape.?

Sinisilip ng mga im­bestigador ng pulisya ang anggulong drug trade ang isa sa motibo sa dalawang kaso ng pamamaril.

REYNALDO GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with