Sto. Tomas, susungkit uli ng Guinness World
Cesar Ramirez (Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2017 - 12:00am

STO.TOMAS, Panga­sinan, Philippines —Tatangkain na mu­ling mailagay sa Guinness World Records ang bayan ng Sto. Tomas sa Panga­sinan ang gagawing longest line of tables at ang longest line of picnic sa darating na Abril 2.

Sinabi ni Sto.Tomas Ma­yor Timoteo “Dick” Villar III na susubukan nilang kunin ang titulo sa Guinness para sa naturang mga kategorya (longest line of tables at ang longest line of picnic).

Sinabi ni Villar na nakahanda na ang may 2,470 mesa na kanilang pagdidikit-dikitin na may sukat na 2.43 metrong haba bawa’t isa.

Anang alkalde, ilalatag ang mga mesa mula sa hangganan ng kanilang bayan sa Rosales at Alcala na may kabuuang anim na kilometro.

Binanggit ni Villar na kanilang susubuking mahigitan ang kasalukuyang 4.3 kilometrong Longest Line of Tables record na hawak ng Alexandria sa bansang Ehipto.

Sa Longest Line of Picnic naman, naghahanda ang bayang ito ng may 3,600 kilo ng karneng baboy at 3,600 kilo ng mga gulay para sa pagsasaluhang adobong Sto.Tomas con Maiz.

Idinagdag pa ni Villar na ang naturang putahe na ihahanda ay orihinal sa bayan kung saan tampok ang mais na pangunahing produkto ng bayan na sumisimbulo ng kanilang One Town, One Product.

Naghanda rin ang natu­rang bayan ng 60 kaban ng bigas na isasaing para sa nasabing aktibidades.

Matatandaan na nakopo ng bayang ito noong 2008 ang titulong Longest Barbecue kung saan sabay-sabay na nag-ihaw ng libu-libong mais sa may 3.8-kilometrong haba ng ihawan.

GUINNESS WORLD RECORDS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with