Kawani ng CF utas sa jeep crash
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2017 - 12:00am

CAVITE, Philippines - Patay ang 43-anyos na kawani ng Casino Filipino habang kritikal naman ang kasamahan nito makaraang sumalpok ang kanilang owner-type jeep sa poste ng kuryente sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Kaybagal South, Tagaytay City, Cavite kahapon ng madaling araw. Kapwa naisugod naman ang dalawa sa pagamutan subalit idineklatang patay na si Arnel Bejosano ng Barangay Mendez Crossing East habang kritikal naman ang nagmamaneho ng jeep na si Dexter Peren, 41, ng Barangay Asisan, kapwa security sa nasabing casino. Base sa ulat ni P03 Erlan Demate na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, magkasama sa jeep (DLS545) ang dalawa na sinasabing lango sa alak nang aksidenteng sumalpok ang kanilang sasakyan sa harapan mismo ng poste ng nasabing casino.

CASINO FILIPINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with