_ngayon
^

Bike vs bike: 2 dedo, 2 grabe

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2017 - 12:00am

QUEZON, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa Brgy. Matandang Sabang Silangan sa bayan ng Catanauan, Quezon, kamakalawa ng gabi.? Sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Director P/Senior Supt. Ro­derick Armamento, kinilala ang mga namatay na sina Cyrell Regio, 15, Grade 9,  ng Brgy. Tuhian; at Merlin Garcia, 52, ng Brgy. Dahican.? Ginagamot naman sa Catanauan District Hospital ang mga sugatang sina Cedrick Regio, 16, Grade 9; at Jerald Burlagdan, 19, Grade 11, mga nakatira sa Brgy. Tuhian.? Sa imbestigasyon, patungo sa bayan ng General Luna ang motorsiklo ni Cyrell at kaangkas ang utol na si Cedrick at kaibigang si Jerald nang mawalan ng kontrol sa manibela kaya nagpagewang-gewang ito sa kalsada. Tiyempo namang dumarating ang kasalubong na motorsiklo ni Garcia kaya naganap ang sakuna.?

CYRELL REGIO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with