Coed nagpraktis magmotorsiklo, bulagta
Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2017 - 12:00am

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines - Kamatayan ang sinapit ng 24-anyos na college student matapos na bumangga sa pader ang motorsiklong kanyang pinagpraktisan sa bayan ng Pikit, North Cotabato, kahapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Donald Cabigas, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Ladylyn Tahid-Tahid, 2nd year college student sa University of Southern Min­danao.

Ayon kay Cabigas, nagpapraktis ang biktima ng pagmomotorsiklo kasama ang kapatid at bayaw nito sa loob ng compound ng Pilot Elementary School sa Barangay Poblacion.

At dahil hindi pa kabisado ni Ladylyn ang manibela ay sinasabing mariin nitong napiga ang hawak na acce­lerator ng motorsiklo saka dumiretso sa sementadong pader.

Walang suot na helmet ang biktima kaya napuruhan ito sa ulo. Isinugod pa ng kanyang kapatid si Ladylyn sa ospital pero idineklarang patay.

 

STUDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with