_ngayon
^

4 NPA rebs utas sa encounter

Francis Elevado, Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2017 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay - Apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa bulubunduking bahagi sa Barangay Pangle, bayan ng Aroroy, Masbate kahapon ng umaga. Sa pahayag ng tagapagsalita ng AFP Southern Luzon Command na si Major Virgilio Perez, naglunsad ng combat patrol ang tropa ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa pamumuno ni 1Lt. April John Del Rosario nang makasagupa ang mga rebelde. Tumagal ng 20 minuto ang bakbakan hanggang sa tumakas ang mga rebelde at naiwan ang apat na napaslang. Wala namang naiulat na nasugatan at napatay sa panig ng militar. Narekober ng mga sundalo sa encounter site ang dalawang M14 rifle, dalawang M16 rifle, isang M203 grenade launcher at mga subersibong dokumento.

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with