8 tripulante minasaker ng mga pirata
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Patay ang walong tripulante ng isang fishing vessel matapos imasaker ng mga pirata sa karagatang sakop ng Zamboanga City, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard kahapon.

Sa inisyal na ulat mula kay PSG Spokesperson Commander Armand Balilo, nilusob ng mga pirata ang FB NR o Hulbot-hulbot habang ito ay naglalayag sa bisinidad ng Siromon Island, 11 Island Group, Zamboanga City.

Sinabi ni Balilo na bukod sa walo ang patay habang lima pa ang nawawala at dalawa ang nakaligtas sa insidente na nakilalang sina Nomar Sakandal at Ervin Banaan.

Nabatid na tumalon mula sa sasakyang pa­ngisda ang limang nawawala na siyang hinahanap ngayon ng search and rescue ope­ration ng PCG.

Kasalukuyun nang nasa pangangalaga ng pulisya ang dalawang nakaligtas habang patuloy na hina­hanap ang lima pa.

PHILIPPINE COAST GUARD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with