Retired judge itinumba ng tandem

Rhoderick Beñez at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2017 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY, Philippines - Malapitang pinagbabaril ng riding-in-tandem ang isang retiradong judge ng Regional Trial Court sa Surigao City, Surigao del Norte kahapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang 70-anyos na biktima na si Victor Canoy dating hukom ng RTC Branch 29 na naganap sa Brgy. Washington ng lungsod.

Ayon kay P/Sr. Insp. Tessie Moleta, information officer ng Surigao City Police Office, bumili umano ng ulam ang dating huwes  sa isang karinderya nang lapitan ng backrider ng motorsiklo sa kanyang likuran sabay binaril sa  ulo. Upang matiyak na patay ang biktima ay pinagbabaril pang muli ng suspek.

Patakas na umano ang gunman patungo sa naka-standby na motorsiklo nang makita ng isang police beat patroller ang nangyari kung kaya’t binaril niya ang suspek at natamaan sa kanyang likod ngunit  mabilis na tumakas.

Kaagad na dinala sa Caraga Regional Hospital ang biktima ngunit idineklara siyang dead-on-arrival ng attending physician.

Ayon sa mga saksi, suot umano ng mga suspek ang kulay itim na sombrero at naka-sun glasses at face mask pa kung kaya’t mahirap umano silang kilalanin.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang mga basyo ng .9mm na pistola.

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with