^

Probinsiya

2 dedo sa salpok ng sasakyan

ARANGKADA - Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

NUEVA VIZCAYA, Philippines - Dalawang matanda ang iniulat na namatay sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa dalawang bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina  Aquilina Lagaso, 78, ng Barangay Susugaen, Pasuquin; at Venacio Duca, 79, ng Barangay Zone 7 sa Barangay Nangalinan sa bayan ng Baggao. Base sa imbestigasyon ng pulisya, nasalpok ng motorsiklo ni Maynard Balitek ang biktimang si Lagaso habang ito ay tumatawid sa kalsada sa Barangay Susugaen sa bayan ng Pasuquin. Samantala, namatay din si Duca matapos itong masalpok ng hindi natukoy na uri ng sasakyan habang ito ay tumatawid sa kalsada sa bayan ng Baggao. Iniwan na lamang ang biktima na nakahandusay sa gilid ng kalsada.

 

DEDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with