Mag-utol na bata kinatay ng ama
DEAR DJ JACKY G., - Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2017 - 12:00am

COTABATO CITY, Maguindanao, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng magkapatid na bata makaraang pagta­tagain ng sariling ama na umano na-praning sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Gen. Luna, bayan ng Carmen, North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon sa police report, bigla na lamang nag-amok at pinagtataga ng suspect na si Abdul Guibar Afdal Ampatuan, 32 ang kanyang mag-iina.

Kinilala ang magkapatid na napatay na sina Ashrea Ampatuan, 6; at Zulkeple Ampatuan, 1, na nagtamo ng sugat mula sa matalim na itak.

Sugatang nakaligtas ang 7-anyos na kapatid ng dalawa at ang kanilang ina na si Fatima Ampatuan, 30.

Ayon kay P/Senior Ins. Basillio Parcon, deputy chief of police sa bayan ng Carmen, uminum ng herbicide ang suspek upang kitilin ang kanyang buhay subalit napigilan ito ng kanyang pamilya at agad na sinugod sa ospital.

Nabatid na tatlong araw na rin na walang kain ang suspek dahil na rin sa mga iniisip nito kung saan may matinding problema sa pinansyal.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Carmen PNP ang suspek at hinihintay ang pahayag ng pamilya kung sasampahan ng kaso ang suspek.

KINATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with