Mangingisda gutay sa pampasabog
MGA SWERTENG DULOT NG NUMERO - Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2017 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 45-anyos na mangingisda matapos masabugan ng IED na ginagamit nito sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Cabacongan, bayan ng Caramoan, Camarines Sur noong Sabado ng hapon. Halos hindi na makilala ang nagkalasug-lasog na katawan ng biktimang si Joel Pavia dahil sa tindi ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, dakong alas-5:30 ng hapon ilegal na nangingisda ang biktima gamit ang improvised explosive device (IED) nang aksidente itong sumabog bago pa man niya naihagis sa dagat kaya magkagutay-gutay ang kanyang katawan. Mino-monitor na ng mga awtoridad ang karamihang mangingisda na gumagamit ng IED sa pangingisda.

IED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with