Bike vs bike: 2 bulagta
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2017 - 12:05am

CAVITE, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang 4-anyos na nene ang namatay makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Ramon Crus sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina Donato Lebue ng Barangay San Gabriel; at Pia Charlotte Isidro, 4, ng Brgy. Olaes, GMA, Cavite. Ginagamot naman sa ospital ang ama ni Pia na si Bonifacio Isidro, 44, ng Phase 2 Alta Tierra Homes sa Brgy. Olaes sa nasabing bayan. Sa ulat ni PO2 Virgilio Del Mundo na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, lumitaw na nag-overtake ang motorsiklo ng mag-ama sa sinusundang sasakyan kaya nasalpok ang kasalubong na motorsiklo ni Donato. Naisugod naman ang tatlo sa nasabing ospital suba­lit kapwa namatay sina Pia at Donato.

BIKE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with